Saturday, 28 April 2012

Karunungang Hayag at Karunungang Lihim


+ PAUNANG MENSAHE +

AKO ANG UNA AT ORIHINAL NA MAY BLOG SA BANSAG NA "AGIMAT AT BERTUD" NAGMULA ITO SA AKING BLOG SA MSN NOONG 2008 NA TINAWAG KONG "AGIMAT AT BERTUD NI KA FERNANDO" AT NALIPAT SA WORDPRESS NOONG 2011 AT NGAYON DITO NA SA BLOGGER. KUNG NAIS PO NINYONG MAPANOOD ANG AKING MGA TRUE STORY MOVIE KOLEKSIYON  NI  RAMON REVILLA  AT IBANG MGA BANTOG SA PINOY AY TUNGHAYAN LANG PO NINYO ANG AKING CHANNEL SA YOUTUBE:  www.youtube.com//user//kingmetatron

Tayo po ay binigyan ng DIYOS AMA ng sariling pag-iisip kaya kung ano man po ang inyong paniniwala  o relihiyon ay aking iginagalang at hindi ko hinihikayat ang sinoman na maniwala at sumunod sa aking kinagisnang paniniwala. 
+   +   +   +   +   +   +

ANG  BLOG  KONG  ITO  AY  AKING  ILALAHATLA  HINDI PARA MAGYABANG  KUNDI UPANG MAILAPIT ANG TAO  SA  NAG-IISANG  DIOS  AMA (INFINITO DEUS YESERAYE)   NA MAKAPANGYARIHAN  SA  LAHAT  NA MAY GAWA  NG  LANGIT  AT LUPA  AT  LAHAT  NG  MGA  BAGAY  NA  NAKIKITA  AT  HINDI NAKIKITA.
Ang DIOS  NA WALANG SIMULA’T WAKAS (INFINITO DEUS  YESERAYE) ay iisa lamang at nag-iisang lumitaw kaya’t  sa kanya nagmula ang lahat-lahat…..  Nagkaroon lamang ng demonyo nang ang isang espiritu na kanyang nilikha ay nagtangkang agawan siya ng kapangyarihan kaya’t itoy kanyang ipinatapon sa kailaliman ng lupa.
Sa mga mapalad na magkaroon ng AGIMAT  at  BERTUD  ay huwag po nating gagamitin sa masama at maging sa panlalamang ng kapwa, sapagkat ito po’y mawawalan ng bisa. Gawin po lamang nating pananggalang  o  proteksiyon ng ating katawan. Igalang ang kapwa tao at maging pantay ang pagtingin sa lahat ng tao maging ito’y mahirap  o  mayaman.
+   +   +   +   +   +   +


Bago ako magsimula ay tunghayan po muna natin ang maikling kasaysayan ng PAGLIKHA na nasasaad sa ANG KARUNGAN NG DIOS na walang iba kundi ang KARUNUNGANG HAYAG  at  KARUNUNGANG LIHIM. Ang dalawang karunungan ito ay sadyang magkakaiba ang bawat pinagmulan. Ang “Tago” ay nagsimula noong wala pa ang lahat ng bagay at ang“Hayag” naman ay nagsimula ng likhain ng Diyos ang tao sa mundo.


Sa HAYAG NA KARUNUNGAN na matatagpuan sa Biblia ay ganito ang panimula: Genesis 1:1, 2 at 3, NANG SIMULA LIKHAIN NG DIYOS ANG LUPA AT LANGIT, ANG LUPA AY WALA PANG HUGIS O ANYO AT ANG WALANG HANGGANG KADILIMAN ANG SIYANG BUMABALOT SA KALILIMAN AT UMIIHIP ANG MALAKAS NA HANGIN SA IBABAW NG TUBIG”, SINABI NG DIYOS: MAGKAROON NG LIWANAG AT NAGKAROON NGA. Sa puntong ito mayroong bagay na hindi maipaliwanag, kasi maliwanag na sinabi na sa pasimulang likhain pa lamang ng Dios ang lupa at hangin ay mayroon ng lupa subalit ito’y wala pang hugis at ang hangin ay umiihip na sa ibabaw ng tubig. Sa madaling salita, sa Hayag na karunungan (biblia) hindi maipaliwanag ng lubusan ang tawag na simula nang ang mundo ay likhain ng Dios. Paano nilikha ang lupa, hangin at tubig? Ang mga ito ay hindi na binanggit sa Biblia. SA HAYAG NA KARUNGAN SA PAMAMAGITAN NG BIBLIA AY GANITO ANG NASASAAD: Ang Dios ay nag-iisa noong panahong wala pa ang lahat ng mga bagay, mga bagay na nakikita man at hindi. (Awit 93:2, Genesis 21:13, Isaias 57:15) Siya ang AMA ay isang Espiritù (Juan 4:24). Siya ay nag-salita (Juan 1:1) ang kaniyang pasimulang salita o ang unang tinig na nanulas sa kaniyang bibig ay naging isang umiiral na Dios (Juan 1:2). Ito ngang Tinig ay isang “Being” o Umiiral na Persona (Genesis 3:8). Pinauunawang ang salitang persona na ginamit ay isang salitang pang-ukol upang ipantukoy sa isa na pinag-uusapan. Ang Tinig o Salita ay isang buhay na Umiiral (Hebreo 4:12), Siya ang sa ngayon ay ang tinatawag na “ANAK”. Kung ang Tinig ng Ama ay naging isang Dios o Makapangyarihang umiiral na persona, Samakatuwid bagà ay dalawa ang Dios? Tunay na hindi! Ito ay sapagka’t ang Dios AMA ay pumaloob o puma-sa personang ito, alalaon baga’y sa ANAK (Juan 14:10). Kung kaya tumpak ang pagkasabi: ako at ang Ama ay iisa (Juan 10:30) Iisa sapagka’t sila ay nagkakalakip, gaya nang unang araw na lalangin ang tao; siya ay iisa sapagka’t hindi pa nahihiwalay mula sa kaniyang tadyang ang naging isang babae(Genesis 2:21, 5:2). Tunay nga ang pagka-sabi patungkol sa tao: sa wangis ng Dios siya nilalang (Genesis 5:1, 1:27) Subalit kumusta naman ang Espiritù Santo? Hindi bagà ito ay isa na tinutukoy na ikat-long persona ayon sa tradisyong turo ng pinaka-malaking bahagi ng sangka-Kristiyanuhan? Sapagka’t mapapansin sa talata ng (Mateo 28:19) na tila bagà may binabanggit na tatlo o talong persona na umiiral. Tangi pa roon, bagaman at ang Ama ay isang Espiritù ay tinukoy din na siya ay mayroong Espiritù (Isaias 61:1). Tunay nga na may isa pang umiiral na persona ang Espiritù Santo.(Genesis 1:2). Ngunit nangangahulugan ba ito na tatlo na ang Dios? Tunay na hindi! Sapagka’t kung mapapangsin ang sanaysay sa itaas ay pinatunayan ng Kasulatan na iisa ang Dios bagaman at tila bagà dalawa (ang Ama at ang Anak) ang nabanggit. Ngunit sa usapin tungkol sa Espiritù Santo bigyang pansin lamang ang demonstrasyon o paghahayag sa pamamagitan ng Bautismo na isinagawa ni Juan Bautista, dito’y mapapag-tanto na ang tatlong persona ay iisang Dios. Mapag-uunawa na tatlo nga ang persona o umiiral ngunit ito ay iisa. Gaya naman ng  isang tao na kaniyang larawan, binubuo ng: espiritù, kaluluwà, katawan. Tatlo ang binabanggit subalit siya ay iisa (1Tesalonica 5:23).

Sa KARUNUNGAN LIHIM ay ganito ang nasasaad: Bago likhain ng Dios ang sandaigdigan ay kanya munang inihanda ang Apat na Elemento na siyang magiging sangkap sa sanlibutan. Ito ay ang HANGIN, TUBIG, LUPA at APOY. Ang wika ng Dios ay : ACNA TURVATE SODEM AC SODEM TEASET BUITARAP ACME MIMJARUL LEGARA HAMUSA VINESA MATUMI EROP BUNSIRAP, nang ito’y masabi lumitaw ang lupa, lumalagablab ang init ng Apoy, umihip ang simoy ng Hangin at rumaragasa ang alon ng tubig. At muling nagsalita ang Dios ng “CREAVIT SECTIBUS CAELUM ET TERRAM” (ibig sabihin ay simulan ko nang gawin ang langit at ang sanlibutan) at nagsalita pa muli ang Diyos ng ganito: MANAOT LUMBRATE ACTIVE DENS MEAVITA DEUS SANCTE MEUS, nang matapos itong sabihin nagkabuklod-buklod ang lupa, tubig, apoy at hangin. Muling nagsalita ang Diyos nang: MALQUE ATIM MIRBEATIM MACMITIM, at ang tubig ay nagkabuklod-buklod na magkakaiba ang lasa. Sang-ayon sa Biblia, sa aklat ng mga awit 90:2 ganito ang sabi: “WALA PA ANG MGA BUNDOK, HINDI MO PA NILALANG, HINDI MO PA NILILIKHA ITONG BUONG DAIGDIGAN, IKAW NOON AY DIYOS NA, PAGKAT IKAW AY WALANG HANGGANG,” madaling sabi, ang Dios ay walang simula at walang katapusan, kaya siya ay tinawag na INFINITO DEUS YESERAYE. Kung ganyan ang kalagayan ng Dios, mayroong tanong na ganito: Noong wala pa ang mundo saan nakatira at ano ang kalagayan ng Dios? Kung Biblia ang magiging batayan natin, walang malinaw na sagot na mababasa mo, subalit sa LIBRO NG KARUNGANG LIHIM  ay mayroon at ito ang nakasulat sa Aklat ng Kalikasan: Noong wala pa ang mundo ang Dios ay naririyan na at siya ay nakatira sa kanyang kaharian na siya rin ang kanyang kapangyarihan na kung tawagin ay CIELO DE CHRISTILLENO na ang ibig sabihin ay “langit sa mga langit.” Bagamat wala pa ang lahat maliban sa Dios na nag-iisa, ang sinasabing langit sa mga langit kagaya ng kalawakan na hindi malalaman ang pinagmulan at ang hangganan nito. Ang sinasabing kalawakan ay isang puwang na lugar na walang nilalaman, subalit ito’y napupuno at nababalot ng isang liwanag na walang simula at walang hangganan. Ayon sa KARUNUNGANG LIHIM SA AKLAT NG KALIKASAN ay ganito: AZ  ZAAX  XAACZA  ZAAX  ZAAZ  ZAXAZ  JIY  OAFI JAAIYEI  ang ibig sabihin ang karunungan ng Diyos ay hindi kayang abutin ng kahit na sinong nilalang sa lupa kahit na sa isip lamang. Dumating ang panahon na ang makapangyarihang INFINITO DEUS YESERAYE  ay nag-umpisa ng lumikha ng mga naisip niyang mga bagay tulad ng Langit na kanyang magiging luklukan, daigdig na magiging tuntungan ng Kanyang mga paa at iba-iba pang mga bagay sa kalangitan at sangsinukob. Una sa lahat ay lumikha ang INFINITO DEUS YESERAYE  ng magiging katulong at kasama niya sa kanyang mga gagawin kaya’t nagsalita ng: AGAHAC JIRIUM JIURJITNUM JIURJITSUM JACJAHAHAC ROGOTAC YOPALUM MEDERAT INEHATISET CORPUS SIOMBENET, pagkasabi’y pinawisan siya sa kanang bahagi ng noo sa bandang itaas ng kanang kilay at ng haplusin ng kanang hinlalatong daliri at iniwisik ay naging LABING ANIM (16) na butil ng pawis at nang kanyang titigan ay lumabas ang liwanag sa kanyang mga mata at nagkaroon ng buhay ang 16 na mga espiritu o kanununuang matatanda na kahintulad ng kanyang anyo. Muling nag-isip ang INFINITO DEUS YESERAYE  at nagsalita ng: LUCJINUM, pagkasabi’y pinawisan siya sa kaliwang noo sa bandang itaas ng kaliwang kilay at ng haplusin ng kanyang hinlalatong kaliwang daliri at iniwisik ay naging WALONG (8) BUTIL ng pawis at nang kanyang titigan ay lumabas ang liwanag sa kanyang mga mata at nagkaroon ng buhay ang 8 mga espiritu o kanununuang matatanda na kahintulad ng kanyang anyo. Sa kabuohan ay DALAWAMPU’T APAT (24) lahat ang mga kakasamahin ng INFINITO DEUS YESERAYE sa kanyang paglikha. Ganito ang nakasulat sa Biblia: Genesis 1:26, sinabi ng Dios: NGAYON LALANGIN NATIN ANG TAO AYON SA ATING WANGIS. Sa KARUNUNGAN LIHIM, ang 24 na kanununuang matatanda o 24 Ancianos ang kausap at kasama ng INFINITO DEUS YESERAYE ng likhain ang tao.
Ayon sa Karunungan Lihim, ang pangalan ng INFINITO DEUS ng likhain niya ang  24 ANCIANOS  o  24 na matatanda ay “MP” at ayon sa libro ng kalikasan: magiging mapalad ang sino mang mag-iingat ng pangalang ito dahil kilalanin siya ng Panginoon Dios sa panahong darating. Ito rin ang pangalang ibinigay ng Infinito Deus kay ADAN ng bumaba si ADAN sa kailaliman ng lupa at walang sinomang nakasupil sa kanya maging ang hari ng mga demonyo. Sang ayon naman sa mga matatandang Antingero ang sino mang magtaglay ng pangalang ito "MP" at itatoo sa katawan ay hindi kayang supilin  o  dili kaya'y kontrahin ng sino mang may taglay ding Agimat at Bertud dito sa lupa. Ang 24 ANCIANOS  na siyang pinakaunang pangalan ihinayag ng Infinito Deus (I.D.), maliban dito ay marami pang ibang pangalan na ginamit sa bawat paglalang. Isa sa mga tungkulin ng 24 Ancianos ay ang pagbantay sa mga oras sa bawat araw, ang pinakauna ay siyang nagbabantay sa oras ng Ala una, at hanggang sunod-sunod ang mga ito hanggang matapos ang eksaktong 24 oras sang-ayon sa kani-kanilang numero. Sila rin ang tagamasid ng lahat na ginagawa o gawain ng mga tao sa lupa ito’y maging tama  man o  mali, kaya ang mga kasalanan ng tao ay walang ligtas sa Panginoon dahil dito. Sa Apocalipsis ni Juan o Pahayag 11:16 ay nabanggit ang 24 Ancianos at sinasabi: “AT ANG 24 NA MATATANDANG NAKAUPO SA KANI-KANILANG LUKLUKAN SA HARAPAN NG DIYOS AY NANGAGPATIRAPA AT SUMAMBA SA KANYA.”
MGA TUNGKULIN NG 24 ANCIANOS
1. UPH MADAC – Ito ang pinakaunang espirito sa 24 Ancianos, maliban sa pagbabantay sa unang oras pagkaran ng hating Gabi siya ang nagdesinyo ng Araw sang-ayon ng tungkuling ibinigay sa kanya ng Infinito Diyos. Gumawa siya ng maraming desinyo at ito’y inipresenta niya sa kanyang mga kasamahan at sa Panginoon, at pumili sila at napagkaisahan nilang lahat ang hugis o hitsura ng araw na siyang nagbibigay liwanag sa mundo sapul pa noon hanggang sa kasalukuyanat sa darating pang panahon.
2. ABO NATAC – Ito ang pangalawang espirito ang siyang gumawa ng desinyo upang magkaroon ng Buwan na siyang nagbibigay sa atin ng liwanag sa panahon ng gabi. Ganoon din ang ginawa niya, marami ring nilikha at ang mga ito’y inilahad sa kanyang mga kasamahan at sa Infinito Diyos, at kanilang napagkaisahan ang porma ng buwan na nasa kasalukuyan ngayon.
3. ELIM – taga pagbantay sa alas tres ng umaga hanggang 3:59 AM
4. BORIM – taga pagbantay sa alas 4:00AM hanggang 4:59 AM
5. MORIM – taga pagbantay sa alas 5:00AM hanggang 5:59AM
6. BICAIRIM – taga pagbantay sa alas 6:00AM hanggang 6:59AM
7. PERSALUTIM - taga pagbantay sa alas 7:00AM hanggang 7:59AM
8. MITIM - taga pagbantay sa alas 8:00AM hanggang 8:59AM
Ang mga espiritong ito ay hindi tumanggap ng iba pang katungkulan. Ang kanilang ginawa ay ang paglagalag lamang labas pasok sa mundo, at maging taga pagbantay ng Diyos
9. AMALEY – Ito ang pangulo at unang ministro ng mga mandirigmang arkangeles. Siya si San Miguel Arcanghel Sa kanyang balikat nakasalalay ang pakikipaglaban sa mga masasama upang magkaroon ng katiwasayan sa lupa at sa langit man. Si San Miguel ay nakatalagang taga pagbantay sa alas 9:00AM hanggang 9:59AM sa bawat araw, Siya rin ang tagapagbantay sa unang araw sa bawat linggo, ito ang araw ng linggo, kaya Siya ang dapat tawagan sa mga araw na ito upang maiiwasan ang ano mang sakuna o mga pangyayaring hindi mangyari. Siya rin ang espiritong tagahatid balita at mensahero ng Infinito Diyos sa buong kalangitan.
Ito ang panawag kay San Miguel: ESTO MIHI BALTEUS ET DAMIHI PRODEO ET IN DEO MORI.
10. ALPACAR – Ito ang ginagawang kalihim ng Siete Arkanghelis sa buong sansinukob, Siya si San Gabriel na kung saan ay tagatala sa lahat ng nakatagong kababalaghan sa buong sanlibutan at kalawakan.
Si San Gabriel ang taga pagbantay sa alas 10:00AM hanggang 10:59AM sa bawat araw, Siya rin ang tagapagbantay sa bawat araw ng Lunes, kaya sa mga nakakaalam nito, mabuti daw siya ang tawagan sa araw na ito upang maligtas sa lahat na kapahamakan. Ito ang panawag kay San Gabriel, ESTO MIHI LORICA ET TRIBUI ME IMPARTITUDEMEM IMPARTIENDO.
11. AMACOR – Ito ang prinsipe ng anghel na hukom at siya rin ang nagbibigay sa biyayang pangkalangitan na kung saan ay siya rin ang Mayordomo ng Infinito Diyos. Ang anghel na ito ay kilalang-kilala sa pangalang San Rafael, siya ang tagapagbantay sa oras na alas 11:00AM sa bawat araw at Martes naman ang kanyang binabantayan na araw sa bawat lingo. Siya ang dapat tawagin sa araw na ito para sa kaligtasan sa mga kapahamakan. Ito ang panawag kay SanRafael: ESTO MIHI ESCUTUM ET MEDICINAM CORPORISE ET ANIMAE. 
12. APALCO – Ito ang anghel na ginawang Hustisya Mayor sa langit. Ppunong Tagapamahala sa mga bagay pangkalangitan at tagapag-rekomenda sa Diyos ng kaparusahan na dapat gagawin, Siya rin ang taga-bigay ng karunungan upang magagamit ang kaluluwa at katawang lupa ng tao. Ang anghel na ito ay nakikilalang si San Uriel na nakatalaga sa pagbabantay sa oras ng alas 12 ng tanghali at siya rin ang tagapagbantay sa mga araw ng Mierkules, kaya dapat siya tatawagan sa araw na ito upang maligtas sa ano mang sakuna. Ito ang panawag kay San Uriel. ACCENDE ME IGNIS AMORIS DEO ET ESTO MIHI PROTECTOR. 
13. ARCO – Ito ang espiritong taga-hain o taga-panalangin sa Diyos ng ano mang magaling na gawa ng tao, siya rin ang tumatanggap at tagapagbigay-alam sa makataong pangangailangan, patungkol sa Diyos. Ang anghel na ito ay si San Seatiel na siyang bantay sa araw ng Huebes at oras na tuwing ala una ng hapon araw-araw, kaya dapat siya ang tawagan sa araw na ito: Ito ang panawag kay San Setiel: LIBERAME LIBERATOR ANIMABUS PAMULORUM SICUT DEUS PETE MIHI A DEO INDULGENTIAM PECCATORIUM MIHI PULCRUM. 
14. ARAGO – Ito ang espiritong ginawang ingat-yaman at biyaya. Siya ang humahawak ng susi upang maibigay ang kayamanan at kaluwalhatian ng Diyos. Ang anghel na ito ay si San Judiel, ang taga biyaya at tagapagkaloob ng awa ng Diyos. Siya rin ang naatasang magbabantay sa araw ng Biernes, kaya siya dapat ang tawagan sa mga araw na ito. Ito ang panawag kay San Judiel: CRUCEM PASTOR BENEDICTOR REX JUDIORUM EGO SUM ESTO MIHI UMBRACULOM ET FACME ISSIDUM INCOMPETENDO DOMINO.
15. AZARAGO – Ito ang espiritong tagapag-alaga ng Langit at Lupa, at siya ang taga tulong at taga-ampon sa lahat na espiritong nasasakupan ng Infinito Diyos. Siya si San Baraquiel ang bantay sa oras ng alas 3 ng hapon sa bawat araw at naatasang magbabantay din tuwing araw ng Sabado, kaya siya ang dapat tawagan sa mga araw na ito. Ito ang panawag sa kay San Baraquiel: AGNUS VENITE SALVAME SALVATORE OBTI MIHI MIHI BENDITIONEM DEI ET FACME NUMQUAM SEPARARE A DEO. Si San Baraquiel ay ang pinakahuli sa Siete Arkanghelis na kilalang pitong mandirigma ng Diyos Ama.
16. LUXBEL – Ang espiritong ito ay ang pinakabunso sa mga espiritong unang nilalang ng Infinito Dios. Ang kanyang pangalan ay nangangahulugang “Liwanag ng Langit” dahil siya ang pinakamalapit sa Diyos. Nang ang Diyos ay mag-umpisa na ng kanyang paglalang, bininyagan siya ng pangalang BECCA, subalit sinuway nito ang Infinito Dios kaya pinangalan siya nito muli ng LUXQUER o LUCIFER. Ang kasaysayan ni Lucifer ay matutunghayan sa isang aklat na pinamagatang DIEZ MUNDOS (Sampung Planeta). Sa aklat na ito ay matatagpuan ang iba-ibang uri ng bawal na karunungan gaya ng pangkukulam, pang-gagayuma at marami pang iba.
17. ISTAC - taga pagbantay sa alas 5:00PM hanggang 5:59PM
18. INATAC - taga pagbantay sa ala 6:00PM hanggang 6:59PM
19. ISLALAO - taga pagbantay sa ala 7:00PM hanggang 7:59PM
20. TARTARAO - taga pagbantay sa alas 8:00PM hanggang 8:59PM
21. SARAPAO – taga pagbantay sa alas 9:00PM hanggang 9:59PM
Ang limang espiritong ito ay hindi binyagan at hindi tumanggap ng tungkulin. Nang ang Panginoong Jesucristo ay kasalukuyang nakabayubay sa krus,lumapit sila upang magpabinyag, nguni’t hindi na nangyari dahil sa mga oras na iyon ang ating Panginoon Jesus ay nalagutan ng kanyang hininga.
Ang huling tatlo ay ang SANTISIMA TRINIDAD Sila ang Dios Ama, Dios Anak at Dios Espiritu Santo. Ang salitang Santisima Trinidad ay hindi matatagpuan sa Biblia, subalit nagbanggit ito ng Ama, Anak at Espiritu Santo, ganito ang sabi sa Mateo 28:19: “HUMAYO KAYO AT GAWIN NINYONG ALAGAD KO ANG LAHAT NG MGA BANSA. BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT ESPIRITU SANTO.” Ang tatlong ito ay pinaniwalaan ng marami kahit kulang ang kanilang kaalaman tungkol dito.
22. MAGUGAB – Ang espiritong ito ay nagpepresenta bilang Diyos Ama, na ang sabi ng iba ay siyang unang persona sa Santisima Trinidad. Subalit bilang DiosAma, hindi siya ang Infinito Diyos, kundi ibinigay lamang sa kanya ang karapatan at tungkulin na nagpakilala bilang Dios Ama. Siya ang binigyan ng pagdesenyo sa mundo at sa lahat na nilalaman nito gaya ng iba-ibang uri ng mga lumilipad sa himpapawid o mga gumagapang sa lupa, lalong lalo na ang tao.Siya ang taga pagbantay sa alas 9:00PM hanggang 9:59PM.
23. MARIAGUB – Ang espiritong ito ang pangalawang persona sa Santisima Trinidad, taglay niya ang kabuuan ng Dios Anak at ang kapangyarihan sa pag ganap sa mga misteryong ginawa ng Panginoon Jesucristo. Siya ang espiritong sumakatawan upang maligtas ang bawat nilalang na tumanggap at mananpalataya sa Kanya.Siya ang taga pagbantay sa alas 10:00PM hanggang 10:59PM.
24. MAGUB – Ito ang pangatlong persona ng Santisima Trinidad bilang Espiritu Santo, siya ang gumanap upang maisagawa ang bagay na dapat mangyari sa kasalukuyan. Dahil sa kanyang kapangyarihan ay nabubuo at natutupad ang mga pangako ng Infinito Diyos sa mga Tao. Siya ang taga pagbantay sa alas 11:00PM hanggang hatinggabi o 12:00MN.
Ayon po sa revelation kung saan tinutukoy ang 24 ancianos.
Kung isusulat ang mga pangalan (24) sa sinturon o kayay nakapulupot sa baywang ay mabisang pang protection sa disgracia at kapahamakan.


                               +   +   +   +   +   +   +



URI NG AGIMAT AT BERTUD

1. AGIMAT NA ang pinagmulan ay sa KALIKASAN TULAD NG MGA "mutya", baging na tagusan, niyog na walang mata, kahoy na sinukuan, dignum na kahoy, dignum goma, dignum bakal, DIGNUM DAGAT, bahay ng alitaptap, ambrose stone, KABIBENG NAGING BATO, SUSONG NAGING BATO at marami pang iba basta't ito'y galing sa natural na mga bagay masasabing "agimat at bertud ng kalikasan".



2. AGIMAT NA GAWA NG TAO SA PAMAMAGITAN NG MGA MEDALYON, TALANDRO, PANYO, CHALIKO, LIBRITO AT MARAMI PANG SIMBOLO NA NAKAUKIT O NAKASULAT SA KAHOY  O  BATO NA ORACION  O  PANGALAN NG DIOS SA LATIN, ARAMAIC, HEBREO AT ANG MGA MATATAG NA ANTINGERO AY KADALASANG PINAPATATOO SA KANILANG KATAWAN ANG TAGLAY NILANG AGIMAT AT BERTUD. 1. AGIMAT NA GALING SA KALIKASAN NA KUNG TAWAGIN AY MUTYA


TUNGHAYAN NATIN ANG "MUTYA"

Sang ayon po sa aking lolo na isa ring “Antingero” at siya'y sumakabilang buhay na sa edad na 98, kung ang tao ay dapat na maligo ng tubig upang mabuhay…. ang mga “Mutya” naman upang lagi siyang buhay ay dapat din na mabasa ng tubig o ibabad sa isang basong tubig ng mga 15 hanggang 30 minuto, at ito’y gawin tuwing biyernes. Kung nasa probinsiya naman po kayo ay mas pabor sa “Mutya” kung tubig na galing sa malinis na ilog o kaya naman sa poso ang gagamitin. Ngunit kung nasa siyudad naman kayo ang tubig na galing sa gripo ay pwede na rin gamitin basta’t pwedeng inumin. Pagkatapos ibabad ang mutya sa isang basong tubig at pagkatapos ng 15 -30 minutes ay inumin ang tubig. Ang “MUTYA” ay pwede rin na lunukin (subo) kung maliit lamang o ibaon sa katawan, pero kadalasan ay dalhin lamang sa katawan sa pamamagitan ng supot na pulang tela at gawing kuwentas o kaya naman ay itali sa baywang.

Ang lahat na  Agimat  na kung tawagin ay  “MUTYA”  ay nanggagaling sa kalikasan at may kanya-kanyang taglay na kapangyarihan….. subalit karamihan sa mga  “Mutya” na galing sa lupa, tubig, apoy at hangin ay nagbibigay ng proteksiyon  sa katawan  o  kaya’y tagaliwas  sa mga disgrasiya at maging sa tama ng bala  o matalas na metal sa may taglay nito. Mayroon ding “Mutya” na bukod sa pangontra sa mga evil spirits at masasamang tao ay iwas din sa disgrasiya at pangpasuwerte sa buhay. Meron ding Mutya na ang Bertud ay sa lakas at sigla ng katawan.
Ang nasa ibabang larawan ay halimbawa lamang ng mga “MUTYA”  at ito’y aking pinagsama-sama at aktuwal kong kinunan ng larawan upang maging halimbawa sa mga babasa nitong aking blog. 
MAGSIMULA PO AKO NG PAGPAPAKILALA MULA SA KALIWA AT PATAAS AT PAIKOT NG PAKANAN; 
1. MUTYA SA TUBIG (mula sa kaliwa na kulay dark grey), kapag nasinagan ng araw ay nagiging puti ang kulay (TAGALIWAS SA BARIL). Ito’y nakuha ko sa corrigidor island noong 1985 habang ako ay lumalangoy ay napansin kong may kumikislap sa ilalim ng tubig na may lalim na 6 feet kaya sinisid ko ito at kinuha at lihim na itinago sa mata ng aking mga kasamahan. Na testing ko ito sa Silang Cavite. Inilagay ko sa loob ng telang supot na pula at isinabit sa puno ng saging saka binaril ng isa sa kasamahan namin ngunit ayaw pumutok ng 9mm na pistola ng apat na beses na kalabit ng gatilyo, pero kung hindi naman itutok sa kinaroroonan nito ay pumuputok naman ang baril. 

2. MUTYA SA LABONG (nasa itaas ng Mutya ng Tubig), ito’y galing sa dulo ng labong (TAGALIWAS SA KAPAHAMAKAN).

3. MUTYA SA NIYOG, ito’y galing sa loob ng isang matandang bunga ng niyog (TAGALIWAS SA KAPAHAMAKAN at SWERTE SA NEGOSYO).

4. MUTYA  SA LUPA, narito ang maikling kasaysayan: November 22, 2006 ng ito’y mapasaakin. Ito’y aking napaginipan ng unang gabi ng aking pagtulog sa isa sa bansang Middle East na aking pinagtrabaohan, na ito’y sumibol sa lupa, kaya’t kinabukasan ay pinuntahan ko ang lugar sa aking panaginip at andoon nga siya sa deserto, Ang kanyang hugis, itsura, kulay at pagkakalagay niya sa lupa ay eksaktong eksakto sa aking panaginip (ANG MUTYA SA LUPA AY MABISANG PANANGGALANG AT PANGONTRA SA MGA LAMANG-LUPA AT PANGONTRA DIN ITO SA MGA TAONG MAY TAGLAY DING AGIMAT NA MAKA-KALIWA. HAWAKAN LAMANG ANG BATONG ITO AT BIGKASIN ANG SUSI NG SATOR KORONADOS SABAY IHIP SA SINO MANG HINDI TINATABLAN NG PATALIM O ANO MANG KLASE NG MATULIS NA METAL AT BALA NG BARIL AY TIYAK NA TATABLAN. MINSAN GINAMIT KO RIN ITO SA SUBUKAN SA MONTALBAN RIZAL NOONG BIYERNES SANTO YEAR 2009 NG ANG ISANG ISINABIT NA ANTING SA PUNO AY AYAW PUMUTOK ANG MGA BARIL NG MGA SUMUSUBOK, KAYA’T ANG GINAWA KO AY HINAWAKAN KO ANG MUTYA SA LUPA SABAY IHIP SA DULO NG BARIL ANG SUSI NG SATOR KORONADOS AT SINABI KO SA KAIBIGAN KONG PAPUTUKAN NA KAYA’T PUMUTOK ANG BARIL NIYA AT NG TAMAAN ANG AGIMAT NA INILAGAY SA PUNO AY NAGKAWATAKWATAK.

5. MUTYA SA IPO-IPO, ayon sa aking lolo na nagbigay sa akin ito ay nakuha sa gitna ng ipo-ipo (MAARING PALAKASIN  O DILI KAYA’Y PAHINAIN ANG IHIP NG HANGIN  SA PAMAMAGITAN NG ORACION NA IBUBULONG HABANG HAWAK SA KALIWANG KAMAY.

6. BATONG ITIM (pangontra at pananggalang sa lahat ng masasamang spiritu, mangkukulam at mambabarang.

7. BATONG JADE (iwas sa tama ng baril)

8. MUTYA SA SUSO (tagaliwas sa lahat ng panganib sa tubig)

9. NGIPIN NG KIDLAT - nasa gitnang larawan (para sa lakas at bilis ng katawan at iwas din sa tama ng bala ng baril). Sa may tangan nito dapat na alam ang pangalan ng KIDLAT na siyang sinasambit ng tatlong beses habang hawak sa kanang kamay tuwing kumikidlat upang magkaroon ng bertud at isang beses lamang sa loob ng isang taon ang gagawin at buhay na ito.


SOLONG LARAWAN NG MGA AGIMAT AT BERTUD NA GALING SA KALIKASAN:

DIGNUM BAKAL - lihis sa bala ng baril
(nakuha ko ito sa Banahaw)


DIGNUM DAGAT - pangontra sa evil spirits
(marami nito sa Banahaw at sa Quiapo)

PANGIL NG KIDLAT
(nakuha ng lolo ko sa loob ng katawan ng baka matapos tamaan ng kidlat)


NGIPIN NG KIDLAT
(nakuha ito sa loob ng puno ng niyog matapos tamaan ng kidlat)


MUTYA  NG IPO-IPO
(nakuha ko ito sa gitna ng ipo-ipo habang naikot ang hangin)
+ BATO  UMO + 
(nakuha ko ito sa Banahaw sa kuweba ng Dios Ama)
isinalang ko ito sa testingan ng mga Anting-Anting sa Silang Cavite at ang bala ng baril ay lumilihis lamang kahit na sa malapitan at kung itutok naman ang baril ay hindi pumuputok - ako na lamang ang nagbinyag sa pangalang "BATO UMO" dahil sumaglit sa isipan ko ang Oraciong "DATAM-UMO-BUSCUMBIL-SABAOTH"  na aking inihip sa bato habang dinadampot ko noon sa kuweba.