ITO’Y BAGING NA TUMAGOS SA KATAWAN NG ISANG BUHAY NA PUNONG KAHOY KABILANG DIN ITO SA AGIMAT NA GALING SA KALIKASAN
Year 1992, Biyernes Santo noon at first time na pag-ayat ko saMt.Banahaw. Sa aking pag-ayat papuntang Kuweba ng Diyos Ama ay may nakasabay akong isang matandang lalake subalit akoy nagtaka dahil ang liksi ng katawan niya at parang hindi napapagod. Naging interesado ako sa matandang ito kayat hindi ko siya hiniwalayan at sumama ako sa kanyang bahay sa Liliw Laguna at inabot ako doon ng magdamag kayat magdamag din kaming nagkuwentuhan tungkol sa mga Anting-Anting. Ayon sa matandang ito na nagpakilalang “KA MIGUEL na isang Arbularyo, ang isa pang mahusay na Agimat ay ang ” BAGING NA TUMAGOS SA GITNA NG LETTER-Y NA SANGA NG PUNONG KAHOY O MASASABING BAGING NA LAGPASAN NA MAY PITONG BUKO O MATA”. Ang sabi sa akin ay matatagpuan ito sa “Bundok ngSan Cristobal” na tinag-uriang kambal ng “Mt.Banahaw” dahil magkatabi lamang sila. Sadyang mahilig ako sa AGIMAT kaya sa panahong ito ang aking dala sa katawan ay “MEDALYON AT PANYO NG TATLONG PERSONA NA MAY TATLONG MUKHA SA IISANG ULO”, sa aking pag-reresearch ay ito rin ang AGIMAT na ginamit ni General Emilio Aguinaldo.
Pinag-planuhan namin ni Ka Miguel kung paano makukuha ang nasabing “BAGING NA LAMPASAN NA MAY PITONG BUKO O MATA” sa Bundok ngSan Cristobal. Kaya’t madaling araw pa lamang ng Sabado De Glorya ay pinutahan na namin sa Binangonan Rizal ang limang kakilala ni Ka Miguel na may mga dala ding AGIMAT sa katawan.
Umaga ng Linggo ng pagkabuhay ng marating namin ang Bundok ngSan Cristobal. Pito kaming magkakasama at ang pinaka leader namin ay si Ka-Miguel. Isang oras bago kami tumahak at akyatin ang bundok ngSan Cristobalay nag-poder muna kami sa aming mga katawan na may malaking tiwala sa aming mga kanya-kanyang AGIMAT. Halos 2 oras naming tinahak ang talahibang kagubatan ng San Cristobal at talagang ramdam ko at ramdam din ng mga kasamahan ko na may mga Ingkanto sa lugar na ito. Pag-dating namin sa punong kahoy na kinalalagyan ng “UGAT NA LAMPASAN” ay hindi kaagad kami makalapit dahil sa aming pagtataka sa paanan ng punong-kahoy ay napapaligiran ito ng napakaraming ibat-ibang kulay ng mga ahas na sa aking palagay ay mga 200 ang bilang. Sa tanang buhay ko noon lang ako nakakita ng ganoong karaming mga ahas na may ibat-ibang kulay. Sabi ni Ka-Miguel ay magdasal kami ng taimtim at muling mag-poder sa sarili at pagkatapos ay isa-isa naming ibinato sa gitna ng mga ahas ang basag ng aming Agimat sa pamamagitan ng PANYONG MAY NAKASULAT NA MGA ORACION O LATIN. Ang unang ibinato ay BERTUD NG 7-ARKANGELES, pangalawa ay BERTUD NG SANTO NINO NA DI BINYAGAN, pangatlo ay BERTUD NG KRISTONG HARI, pang-apat ay BERTUD NG 7 BERHENG ATARDAR, pang-lima ay BERTUD NG SAN BENITO, pang-anim ay ibinato ko rin ang aking taglay na panyo at BERTUD NG SANTISIMA TRINIDAD O TATLONG PERSONA. Sa aming mga ibinatong panyo ay hindi man lamang natinag ang mga ahas………. kaya’t nawalan na kami ng pag-asang makuha ang “BAGING NA LAMPASAN” na noon ay mga 15 feet lang naman ang taas mula sa lupa. Muling nag-dasal si Ka-Miguel ng taimtim at iwinagayway niya ng 7-beses paikot mula sa kaliwa ang kanyang “PANYONG MAY BERTUD NA INFINITA DEUS NA NAKATAYO SA MUNDO AT NAKA-APAK SA AHAS”, pagkatapos ay ibinato niya sa gitna ng kinalalagyan ng mga ahas…… nagtaka kaming lahat dahil pagkabagsak ng nasabing panyo sa lupa ay isa-isang hinalikan ng mga ahas ito at iyong kulay puting ahas ang huling humalik at pagkatapos ay mabilis na sabay-sabay na nagsilikas patungong kanluran.
Nang silay maglaho sa aming paningin, nilapitan namin ang punong kahoy at dinampot namin ang aming mga panyo. Ang isa sa amin na ang dala ay “KRISTONG HARI” ay siyang umakyat sa puno at kanyang pinutol ang malaking sanga ng punong kahoy na kinalalagyan ng “BAGING NA LAMPASAN”, samantalang kaming naiwan sa baba ay paikot na pinalibutan namin ang puno ng kahoy.
Sa wakas ay nakuha namin ang ”BAGING NA LAMPASAN NA MAY PITONG BUKO NA HUGIS MATA NG TAO”. Ang parte lamang ng tumagos o lumagpas sa butas ang aming pinag-putol putol sa pitong piraso. Kinuha lang namin ay parte ng may “BUKO O MATA” na may 3 inches lang haba bawat isa ang haba. Lubhang nagtaka kami dahil EKSAKTONG 7 LAMANG ANG BUKO O MATA NG BAGING, at BUKO O MATA ng BAGING na ito ay pabaligtad ang pagkatubo, dapat ito ay pataas ang pagkatubo mula sa butas ng kahoy na pinagtagusan, pero ito’y pababa mula sa butas ng kahoy na para bagang nakatingin ang 7 mata sa pinagtagusang butas.
Alas 2:00 na ng hapon ng lisanin namin ang Bundok ng San Cristobal at nagtungo kami sa mahimalang ilog ng Mt. Banahaw na tinawag na “KINABUHAYAN” at ayon na ring sa utos ni Ka-Miguel ay ilob-lob namin o basahin ang aming kanya-kanyang “UGAT NA LAMPASAN” upang ito mabuhay at magkaroon ng kapangyarihang TAGA-LIWAS O PANANGGALANG SA LAHAT NG PANGANIB, KONTRA SA BARIL, KONTRA SA LAHAT NG METAL NA NAKAKASUGAT SA KATAWAN, KABAL SA BUONG KATAWAN, KONTRA SA MABABANGIS NA HAYOP AT AHAS, PANGONTRA DIN SA TAONG MAY AGIMAT NA HINDI TINATABLAN NG BALA O ITAK. Para sa aming magkakasama ay sadyang lubos ang aming paniniwala na tutuo ang sinabi ni Ka-Miguel dahil na rin sa aming pinagdaanang karanasan bago namin makuha ang Agimat na ”BAGING NA LAGPASAN”. Ayon kay Ka-Miguel marami nang sumubok na makuha ang nasabing Agimat na ito subalit nangabigo silang lahat.
Gabi na ng Linggo ng pagkabuhay ng dumating ako sa aming tahanan saMakati. Kinabukasan ay binutasan ko sa bandang itaas ng buko ang taglay kong “BAGING NA LAGPASAN” at ginawa kong kuwentas at sinasabit ko lagi sa akin leeg subalit ito ay lagi kong itinatago sa mata ng tao, kayat kadalasan ay nakatali lamang ito sa aking baywang sa loob ng supot ng telang pula. Totoo ngang may bertud na taglay ang “BAGING NA LAGPASAN” dahil Biyernes Santo noong taon 1993 ay isinasama ko ito sa subukan ng mga Agimat sa Silang Cavite: isinasabit ko ito sa puno ng saging at binabaril ng malapitan ng tatlong lalake na mayroon ding mga Agimat na taglay sa katawan subalit hindi pumuputok ang kanilang mga baril. Marami pang kababalaghan ang naipakitang bertud ng “Baging na Lagpasan” sa aking buhay, tulad ng pangontra sa taong may Anting na ginagamit sa kaliwa o kasamaan at Kabal sa katawan…….
Gabi na ng Linggo ng pagkabuhay ng dumating ako sa aming tahanan saMakati. Kinabukasan ay binutasan ko sa bandang itaas ng buko ang taglay kong “BAGING NA LAGPASAN” at ginawa kong kuwentas at sinasabit ko lagi sa akin leeg subalit ito ay lagi kong itinatago sa mata ng tao, kayat kadalasan ay nakatali lamang ito sa aking baywang sa loob ng supot ng telang pula. Totoo ngang may bertud na taglay ang “BAGING NA LAGPASAN” dahil Biyernes Santo noong taon 1993 ay isinasama ko ito sa subukan ng mga Agimat sa Silang Cavite: isinasabit ko ito sa puno ng saging at binabaril ng malapitan ng tatlong lalake na mayroon ding mga Agimat na taglay sa katawan subalit hindi pumuputok ang kanilang mga baril. Marami pang kababalaghan ang naipakitang bertud ng “Baging na Lagpasan” sa aking buhay, tulad ng pangontra sa taong may Anting na ginagamit sa kaliwa o kasamaan at Kabal sa katawan…….