Ang “Niyog na walang mata” ay pangkalahatang Agimat at walang makakasupil sa may taglay nito kung nasa loob ng magkatakip na harap at likod ng bao ang MUTYA NG APAT NA ELEMENTO (Lupa, Tubig, Apoy, Hangin) at kasama rin sa loob ang kaunauhang pangalan ng Infinito Deus (MJP) na tanging ang I.D. lamang ang nagbigay ng sarili niyang pangalan.
1. MUTYA SA LUPA, ito’y isang uri ng maliit na bato na sumisibol sa ilalim ng lupa at umiibaw sa lupa tuwing ika isang libong taon at muling umiilalim sa lupa kapag ito’y nasinagan ng liwanag ng buwan. Maari din ang ano mang mutya ng punoy kahoy o halaman basta’t tumubo sa lupa.
2. MUTYA SA TUBIG, ito’y isang uri ng bato na kapag nasa ilalalim ng tubig at nasinagan ng araw ay nagbabago ang kulay at nagiging kulay berde. Ang batong ito’y mayroong black, grey, white ngunit kapag nasinagan ng sinag ng araw ay nagiging kulay berde. Pwede rin Mutya ng suso, kabibe o kaya’y basta’t ang pinagmulan ay sa tubig maging ito’y sa dagat, ilog o tabang.
3. MUTYA NG HANGIN O IPO-IPO, ito’y isang bato na matatagpuan sa gitna ng umiikot na ipo-ipo o kaya’y buhawi. Kapag meron ka nito at alam mo ang pangalan ng hangin sa Latin o maging sa Aramaic o Hebreo ay mapapahina mo at mapapalakas ang hangin.
4. MUTYA NG APOY o NGIPIN at PANGIL NG KIDLAT. Sa pagkuha ng ngipin o pangil ng kidlat ay makikita ito sa isang bagay na tinamaan ng kidlat at ito’y makukuha sa pamamagitan ng isang bagong asang itak. Pahiran ng sukang gawa sa tubo o kaya’y lambanog ang buong bahagi ng itak at itusok sa tinamaan ng kidlat, kapag nandoon ang mutya ng kidlat ito’y kusang didikit sa talim ng itak. Mahalagang malaman din ang pangalan ng kidlat sa Latin, Hebreo o Aramaic, sapagkat ito lamang ang paraan para magkabisa ito na siya mong ibubulong habang ito’y hawak ng iyong kanang palad.