Saturday, 19 May 2012

MEDALYON, TALANDRO AT LIBRETO


MEDALYON:


Ang Medalyon ay kagaya rin ng Talandro na nagsasaad ng representasyon ng isang testamento na patungkol dito at nakaukit o  nakasulat dito ang mahahalagang Banal na Dasal o Oracion at pangalang lihim sa pamamagitan ng mga bibliato o kalipunan ng mga pang-unang letra ng bawat salita. 
Sa matandang kaugalian ng mga gumagawa ng Medalyon ay mayroong ritual na nakapaloob sa paggawa nito.  Ang tanso ay tinutunaw sa ibabaw ng apoy at ang mga molde nito ay yari sa clay o palayok o lupa at saka ito dahan dahang palalamigin sa hangin.  Sa ganitong paraan ay dumaan ito sa proceso ng apat na elemento ng lupa-tubig-apoy-hangin na pinaniniwalaang nagbibigay ng Bertud dito.

TALANDRO:



Ang Talandro na tulad ng +INFINITA DEUS+ ay pagsasalarawan ng isang testamento.  Kalimitan ang isang Talandro ay binubuo ng mga dibuho na naaayon sa kwento o kasaysayan ng testamento na pinaghalawan nito.  Isang halimbawa ay ang Talandro ng Infinita Deus.  Ito ay iginuhit ng may akda nito na naaayon sa pagkakabuo nito sa kanyang mayamang imahinasyon at kaisipan, ngunit kadalasan ay nabubuo ito sa pamamagitan na rin ng pananampalataya at kaalaman sa mga ORACION.  Mayroong simple lamang at mayroon ding makukulay na talanro, subalit ang importante dito ay dapat na nasa loob ng Talandro ang mahahalagang ORACION na patungkol dito upang ito ay maging isang AGIMAT AT BERTUD.
Kadalasan ang isang Talandro ay sinusubukan ng isang Antingero ang bertud nito sa pamamagitan ng pagsalang sa isang subukan at ipinababaril ito, kapag hindi tinablan  o  kaya naman ay lumihis ang bala sa malapitang pagpapaputok ng baril ay tiyak na buhay na ito at may taglay na bertud.
May iba naman na nagsasabi na ang mga Talandro ay hindi nararapat isalang sa pabaril sapagkat wala itong sariling buhay at dapat ay nakadikit ito sa katawan ng tao upang gumana ang bertud, sapagkat nasa tao ang susi ng buhay nito.
Maging paano man ang pansariling proseso natin ng pag gamit nito ang mahalaga ay nasubukan at napatunayan ninyo na ito ay gumagana para malaman ninyo ang kanyang sapat na kapangyarihan at kakayahan na ipinapahiram ng INFINITO DEUS YESERAYE  sa may taglay nito sa oras ng kagipitan o maging sa oras ng malubhang karamdaman.

LIBRETA  O LIBRETO:

Ang Libreta  o  Libreto ay tulad din lang naman ng Talandro na binubuo ng may dibuho na naaayon sa kuwento o kasaysayan ng testamento, tulad ng mga nasa larawan sa ibaba nito. Ang lahat ng ito'y aking iniingatan sabalit kinunan ko lamang ng aktuwal na litrato upang maging halimbawa sa aking blog.


Itutuloy ....

Friday, 18 May 2012

MEDALYON NI ST. BENEDICT


Tunghayan po natin ang  MEDALYON   NI   SAINT BENEDICT :
Ilalathala ko po ito sa mga gustong magtangan nito at ibibigay ko ang aking pahintulot na kopyahin at isulat sa telang puti ang lahat ng dasal  o  basag  ng Medalayong ito. lagi pong dadalhin sa inyong katawan ang telang pinagsulatan na kasama ang Medalyon. Ito po ay magiging gabay ninyo habang kayo ay nabubuhay  kasabay ng pananampalataya sa DEUS AMANG MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT  na may gawa ng langit at lupa at maging ang kahat na bagay na nakikita at hindi nakikita…. PAGPALAIN NAWA KAYO NG DEUS AMA…… Huwag pong gagamitin sa kasamaan at mawawalan ng bisa !!!


Ang medalyon ni Saint Benedict  o  San Benito ay masasabing kabilang sa madaling patalabin ang bertud. Ito ay mainam na taglayin ng mga taong may pananalig sa simbahang katoliko maging babae man o lalake, lalong-laluna ang mga Albularyo.
Mas lalong mabisa ito kung ito’y laging papahiran ng “holy water” sa tuwing kayo po ay pupunta o magsisimba. Ang medalyon ni ”SAN BENITO” ay mabisang pananggalang sa mangkukulam, mangbabarang, aswang at sa lahat ng masasamang espiritu at masasamang tao at mabisa ring “tagaliwas” o iwas sa kapahamakan at disgrasiya at maging sa bala……. Upang makamit ang “bertud” ng medalyon ng “San Benito” dapat ay taglay mo ang “lagpasan”  o “baligtarang” basag nito na nakasulat sa puting tela o kaya naman sa pulang tela. Iwasang huwag ipapakita at ipahihipo sa kahit na kanino maliban lamang sa may taglay nito. Tuwing araw ng biyernes ay hawakan sa kanang palad ang Medalyon ni San Benito at unang dasalin ang mga sumusunod : PODER, BASAG SA HARAP AT BASAG SA LIKOD.

“PODER SA MAY TAGLAY NG MEDALYON NI SAN BENITO” Banggitin ng pabulong habang hawak ang Medalyon ang mga sumusunod na oracion:
SALUMTUM MUNDI SAMISANA UTIHIC
VIVIT REX SELIM MURO MEUM HILELETATEM
JESUS JESUS JESUS JERUSALEM
+ PLOMUV + PLECULETIAN + PERTATUM
PETULAM + PERDATUM +
EL PROBATUR SALUTARE
SANCTA MARIA EGOSUM PACTUM
HUM EMOC GEDOC DOC
GUATNI SICUT DEUS EXENIHILU
SANCTUS BENEDICTUS MONACH
OCCID PATRIARCH PAX
JOTA JETA SIGMA
JESUS HOMINUM SALVATOR.
PANALANGIN  AT  PANAWAG:
CRUX MIHI REFUGIUM
CRUX SANCTA MARIA YSOSALIME
CRUX SUAMBIT PECABIT
CRUX ESGUAM SEMPER ADORO
CRUX DOMINI MECUM
CRUX SANCTI PATER BENEDICTI
CRUX SACRA SIT MIHI LUX NON DRACO SIT MIHI DUX
VADE RETRO SATANA NUN QUAM SUADE MIHI VANA
SUNT MALA QUAE LIBAS IPSE VENENA BIBAS
PER CHRISTUM DOMINUM NOSTRUM
PATER ADONAI X-UX-UM-US (SUCCUMMUX)
SALVA ME, SANCTI ESPICO, AYUDAD ME.
“BASAG  O  KAHULUGAN NG MGA LETRA NA IBUBULONG SA HARAP NG MEDALYON:
CRUX SANCTI PATER BENEDICTE
CRUX SACRA SIT MIHI LUX
NUN DRACO SIT MIHI DUX
VADE RETRO SATANA NUN QUAM SUADE MIHI VANA
SUNT MALA QUAE LIBAS IPSE VINENA BIBAS.
“BASAG  O  KAHULUGAN NG MGA LETRA NA IBUBULONG SA LIKOD NG MEDALYON:
CRUZ SACRA PATRIS BENEDICTE CHRISTUS SALVATOR SACERDOS MONS LAPIS NICAS DOMINUS SABAOTH MAGISTER DEUS VERITAS REDEMPTIO SAPIENTA NAZARENUS SOL MESSIAS VIA SPONSUS MEDIATOR QUASSATUS LEO IESUS VERBUM BOTRUS.

Tuesday, 15 May 2012

BAGING NA LAGPASAN



ITO’Y BAGING NA TUMAGOS  SA KATAWAN NG  ISANG  BUHAY  NA  PUNONG KAHOY  KABILANG DIN  ITO  SA AGIMAT  NA  GALING SA KALIKASAN

Year 1992, Biyernes Santo noon at first time na pag-ayat ko saMt.Banahaw. Sa aking pag-ayat papuntang Kuweba ng Diyos Ama ay may nakasabay akong isang matandang lalake subalit akoy nagtaka dahil ang liksi ng katawan niya at parang hindi napapagod. Naging interesado ako sa matandang ito kayat hindi ko siya hiniwalayan at sumama ako sa kanyang bahay sa Liliw Laguna at inabot ako doon ng magdamag kayat magdamag din kaming nagkuwentuhan tungkol sa mga Anting-Anting. Ayon sa matandang ito na nagpakilalang “KA MIGUEL na isang Arbularyo, ang isa pang mahusay na Agimat ay ang ” BAGING NA TUMAGOS SA GITNA NG LETTER-Y NA SANGA NG PUNONG KAHOY  O  MASASABING BAGING NA LAGPASAN NA MAY PITONG BUKO  O  MATA”. Ang sabi sa akin ay matatagpuan ito sa “Bundok ngSan Cristobal” na tinag-uriang kambal ng “Mt.Banahaw” dahil magkatabi lamang sila. Sadyang mahilig ako sa AGIMAT  kaya sa panahong ito ang aking dala sa katawan ay “MEDALYON AT PANYO NG TATLONG PERSONA NA MAY TATLONG MUKHA SA IISANG ULO”, sa aking pag-reresearch ay ito rin ang AGIMAT na ginamit ni General Emilio Aguinaldo.
Pinag-planuhan namin ni Ka Miguel kung paano makukuha ang nasabing “BAGING NA LAMPASAN NA MAY PITONG BUKO  O  MATA” sa Bundok ngSan Cristobal. Kaya’t madaling araw pa lamang ng Sabado De Glorya ay pinutahan na namin sa Binangonan Rizal ang limang kakilala ni Ka Miguel na may mga dala ding AGIMAT sa katawan.
Umaga ng Linggo ng pagkabuhay ng marating namin ang Bundok ngSan Cristobal. Pito kaming magkakasama at ang pinaka leader namin ay si Ka-Miguel. Isang oras bago kami tumahak at akyatin ang bundok ngSan Cristobalay nag-poder muna kami sa aming mga katawan na may malaking tiwala sa aming mga kanya-kanyang AGIMAT. Halos 2 oras naming tinahak ang talahibang kagubatan ng San Cristobal at talagang ramdam ko at ramdam din ng mga kasamahan ko na may mga Ingkanto sa lugar na ito. Pag-dating namin sa punong kahoy na kinalalagyan ng “UGAT NA LAMPASAN” ay hindi kaagad kami makalapit dahil sa aming pagtataka sa paanan ng punong-kahoy ay napapaligiran ito ng napakaraming ibat-ibang kulay ng mga ahas na sa aking palagay ay mga 200 ang bilang. Sa tanang buhay ko noon lang ako nakakita ng ganoong karaming mga ahas na may ibat-ibang kulay. Sabi ni Ka-Miguel ay magdasal kami ng taimtim at muling mag-poder sa sarili at pagkatapos ay isa-isa naming ibinato sa gitna ng mga ahas ang basag ng aming Agimat sa pamamagitan ng PANYONG MAY NAKASULAT NA MGA ORACION O LATIN. Ang unang ibinato ay BERTUD NG 7-ARKANGELES, pangalawa ay BERTUD NG SANTO NINO NA DI BINYAGAN, pangatlo ay BERTUD NG KRISTONG HARI, pang-apat ay BERTUD NG 7 BERHENG ATARDAR, pang-lima ay BERTUD NG SAN BENITO, pang-anim ay ibinato ko rin ang aking taglay na panyo at BERTUD NG SANTISIMA TRINIDAD O TATLONG PERSONA. Sa aming mga ibinatong panyo ay hindi man lamang natinag ang mga ahas………. kaya’t nawalan na kami ng pag-asang makuha ang “BAGING NA LAMPASAN” na noon ay mga 15 feet lang naman ang taas mula sa lupa. Muling nag-dasal si Ka-Miguel ng taimtim at iwinagayway niya ng 7-beses paikot mula sa kaliwa ang kanyang “PANYONG MAY BERTUD NA INFINITA DEUS NA NAKATAYO SA MUNDO AT NAKA-APAK SA AHAS”, pagkatapos ay ibinato niya sa gitna ng kinalalagyan ng mga ahas…… nagtaka kaming lahat dahil pagkabagsak ng nasabing panyo sa lupa ay isa-isang hinalikan ng mga ahas ito at iyong kulay puting ahas ang huling humalik at pagkatapos ay mabilis na sabay-sabay na nagsilikas patungong kanluran.
Nang silay maglaho sa aming paningin, nilapitan namin ang punong kahoy at dinampot namin ang aming mga panyo. Ang isa sa amin na ang dala ay “KRISTONG HARI” ay siyang umakyat sa puno at kanyang pinutol ang malaking sanga ng punong kahoy na kinalalagyan ng “BAGING NA LAMPASAN”, samantalang kaming naiwan sa baba ay paikot na pinalibutan namin ang puno ng kahoy.
Sa wakas ay nakuha namin ang ”BAGING NA LAMPASAN NA MAY PITONG BUKO NA HUGIS MATA NG TAO”. Ang parte lamang ng tumagos o lumagpas sa butas ang aming pinag-putol putol sa pitong piraso. Kinuha lang namin ay parte ng may “BUKO  O MATA” na may 3 inches lang haba bawat isa ang haba. Lubhang nagtaka kami dahil EKSAKTONG 7 LAMANG ANG BUKO  O MATA NG BAGING, at BUKO  O MATA ng BAGING na ito ay pabaligtad ang pagkatubo, dapat ito ay pataas ang pagkatubo mula sa butas ng kahoy na pinagtagusan, pero ito’y pababa mula sa butas ng kahoy na para bagang nakatingin ang 7 mata sa pinagtagusang butas.
Alas 2:00 na ng hapon ng lisanin namin ang Bundok ng San Cristobal at nagtungo kami sa mahimalang ilog ng Mt. Banahaw na tinawag na “KINABUHAYAN” at ayon na ring sa utos ni Ka-Miguel ay ilob-lob namin o basahin ang aming kanya-kanyang “UGAT NA LAMPASAN” upang ito mabuhay at magkaroon ng kapangyarihang TAGA-LIWAS O PANANGGALANG SA LAHAT NG PANGANIB, KONTRA SA BARIL, KONTRA SA LAHAT NG METAL NA NAKAKASUGAT SA KATAWAN, KABAL SA BUONG KATAWAN, KONTRA SA MABABANGIS NA HAYOP AT AHAS, PANGONTRA DIN SA TAONG MAY AGIMAT NA HINDI TINATABLAN NG BALA O ITAK.  Para sa aming magkakasama ay sadyang lubos ang aming paniniwala na tutuo ang sinabi ni Ka-Miguel dahil na rin sa aming pinagdaanang karanasan bago namin makuha ang Agimat na ”BAGING NA LAGPASAN”. Ayon kay Ka-Miguel marami nang sumubok na makuha ang nasabing Agimat na ito subalit nangabigo silang lahat.
Gabi na ng Linggo ng pagkabuhay ng dumating ako sa aming tahanan saMakati. Kinabukasan ay binutasan ko sa bandang itaas ng buko ang taglay kong “BAGING NA LAGPASAN” at ginawa kong kuwentas at sinasabit ko lagi sa akin leeg subalit ito ay lagi kong itinatago sa mata ng tao, kayat kadalasan ay nakatali lamang ito sa aking baywang sa loob ng supot ng telang pula. Totoo ngang may bertud na taglay ang “BAGING NA LAGPASAN” dahil Biyernes Santo noong taon 1993 ay isinasama ko ito sa subukan ng mga Agimat sa Silang Cavite: isinasabit ko ito sa puno ng saging at binabaril ng malapitan ng tatlong lalake na mayroon ding mga Agimat na taglay sa katawan subalit hindi pumuputok ang kanilang mga baril. Marami pang kababalaghan ang naipakitang bertud ng “Baging na Lagpasan” sa aking buhay, tulad ng pangontra sa taong may Anting na ginagamit sa kaliwa o kasamaan at Kabal sa katawan…….

Sunday, 13 May 2012

Niyog na Walang Mata



Ang “Niyog na walang mata” ay pangkalahatang Agimat at walang makakasupil sa may taglay nito kung nasa loob ng magkatakip na harap at likod ng bao ang MUTYA NG APAT NA ELEMENTO (Lupa, Tubig, Apoy, Hangin)  at  kasama rin sa loob ang kaunauhang pangalan ng Infinito Deus (MJP) na tanging ang I.D. lamang ang nagbigay ng sarili niyang pangalan.
1.  MUTYA SA LUPA, ito’y isang uri ng maliit na bato na sumisibol sa ilalim ng lupa  at umiibaw sa lupa tuwing ika isang libong taon  at muling umiilalim sa lupa kapag ito’y nasinagan ng liwanag ng buwan. Maari din ang ano mang mutya ng punoy kahoy  o  halaman basta’t tumubo sa lupa.
2.  MUTYA SA TUBIG, ito’y isang uri ng bato na kapag nasa ilalalim ng tubig at nasinagan ng araw ay nagbabago ang kulay at nagiging kulay berde. Ang batong ito’y mayroong black, grey, white ngunit kapag nasinagan ng sinag ng araw ay nagiging kulay berde. Pwede rin Mutya ng suso, kabibe   o  kaya’y basta’t ang pinagmulan ay sa tubig maging ito’y sa dagat, ilog  o  tabang.
3.  MUTYA NG HANGIN  O  IPO-IPO, ito’y isang bato na matatagpuan sa gitna ng umiikot na ipo-ipo  o  kaya’y buhawi. Kapag meron ka nito at alam mo ang pangalan ng hangin sa Latin  o  maging sa Aramaic  o Hebreo  ay mapapahina mo at mapapalakas ang hangin.
4.  MUTYA NG APOY  o  NGIPIN at  PANGIL NG KIDLAT. Sa pagkuha ng ngipin o pangil ng kidlat ay makikita ito sa isang bagay na tinamaan ng kidlat at ito’y makukuha sa pamamagitan ng isang bagong asang itak. Pahiran ng sukang gawa sa tubo  o  kaya’y lambanog ang buong bahagi ng itak at itusok sa tinamaan ng kidlat, kapag nandoon ang mutya ng kidlat ito’y kusang didikit sa talim ng itak. Mahalagang malaman din ang pangalan ng kidlat sa Latin, Hebreo  o  Aramaic, sapagkat ito lamang ang paraan para magkabisa ito  na siya mong ibubulong habang ito’y hawak ng iyong kanang palad.

Sa mga nakasubok naman sa Mt.Banahaw, itong magkatakip na bao ng “Niyog na walang Mata” na nakapalaman sa loob ang “Dignum Bakal at Dignum Goma” ang bertud nito ay tagaliwas o umiiwas ang bala ng baril kapag ito’y binaril. Ang iba naman ay hindi pumuputok ang baril kahit na ito’y itutok at kalabitin ang gatilyo. Iwas din ito sa mga disgrasiya at kapahamakan sa sinomang may taglay nito. Marami na rin akong pinag-tanungan na mga antingero sa Batangas, Silang Cavite, Quezon province at sa Lucena ay napatunayan ang bisa nito.