MEDALYON:
Ang Medalyon ay kagaya rin ng Talandro na nagsasaad ng representasyon ng isang testamento na patungkol dito at nakaukit o nakasulat dito ang mahahalagang Banal na Dasal o Oracion at pangalang lihim sa pamamagitan ng mga bibliato o kalipunan ng mga pang-unang letra ng bawat salita.
Sa matandang kaugalian ng mga gumagawa ng Medalyon ay mayroong ritual na nakapaloob sa paggawa nito. Ang tanso ay tinutunaw sa ibabaw ng apoy at ang mga molde nito ay yari sa clay o palayok o lupa at saka ito dahan dahang palalamigin sa hangin. Sa ganitong paraan ay dumaan ito sa proceso ng apat na elemento ng lupa-tubig-apoy-hangin na pinaniniwalaang nagbibigay ng Bertud dito.
TALANDRO:
Ang Talandro na tulad ng +INFINITA DEUS+ ay pagsasalarawan ng isang testamento. Kalimitan ang isang Talandro ay binubuo ng mga dibuho na naaayon sa kwento o kasaysayan ng testamento na pinaghalawan nito. Isang halimbawa ay ang Talandro ng Infinita Deus. Ito ay iginuhit ng may akda nito na naaayon sa pagkakabuo nito sa kanyang mayamang imahinasyon at kaisipan, ngunit kadalasan ay nabubuo ito sa pamamagitan na rin ng pananampalataya at kaalaman sa mga ORACION. Mayroong simple lamang at mayroon ding makukulay na talanro, subalit ang importante dito ay dapat na nasa loob ng Talandro ang mahahalagang ORACION na patungkol dito upang ito ay maging isang AGIMAT AT BERTUD.
Kadalasan ang isang Talandro ay sinusubukan ng isang Antingero ang bertud nito sa pamamagitan ng pagsalang sa isang subukan at ipinababaril ito, kapag hindi tinablan o kaya naman ay lumihis ang bala sa malapitang pagpapaputok ng baril ay tiyak na buhay na ito at may taglay na bertud.
May iba naman na nagsasabi na ang mga Talandro ay hindi nararapat isalang sa pabaril sapagkat wala itong sariling buhay at dapat ay nakadikit ito sa katawan ng tao upang gumana ang bertud, sapagkat nasa tao ang susi ng buhay nito.
Maging paano man ang pansariling proseso natin ng pag gamit nito ang mahalaga ay nasubukan at napatunayan ninyo na ito ay gumagana para malaman ninyo ang kanyang sapat na kapangyarihan at kakayahan na ipinapahiram ng INFINITO DEUS YESERAYE sa may taglay nito sa oras ng kagipitan o maging sa oras ng malubhang karamdaman.

LIBRETA O LIBRETO:
Ang Libreta o Libreto ay tulad din lang naman ng Talandro na binubuo ng may dibuho na naaayon sa kuwento o kasaysayan ng testamento, tulad ng mga nasa larawan sa ibaba nito. Ang lahat ng ito'y aking iniingatan sabalit kinunan ko lamang ng aktuwal na litrato upang maging halimbawa sa aking blog.Itutuloy ....
No comments:
Post a Comment